Friday, September 30, 2005

fayb-n-seven

Bandera (02Oct05)

Dear David,

ISA akong insurance agent pero nahihirapan na ako kasi’y wala talagang pera ang mga tao. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Binata pa ako at isinilang noong Marso 5, 1970. Ano ba ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay? Ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

HENRY NG CAGAYAN DE ORO CITY

Dear Henry,

NUMBER five (5) at seven (7) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Mercury at Neptune ang kumukontrol sa iyong pagkatao. Buwenas ka sa kulay gray at berde. Nakasandal ang iyong kapalaran sa klase ng mga tao na nasa paligid mo. Hindi ka dapat nagmumukmok sa loob ng bahay kapag may problema ka bagkus ay pasyalan ang mga kaibigan at pumagitna sa kalsada. Buwenas ka sa negosyo na nagbibiyahe ng produkto o naglalako. Kapag nakapagpundar ka ng sasakyan, doon na bibilis ang iyong pag-unlad. Buwenas ka rin sa mga religious items o kaya’y negosyo na nakapuwesto sa tabi ng simbahan o religious center. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2005, 2009 at 2012 kung saan matutupad mo ang maraming pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hulyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 11, 17, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No.5 at No.7 ang No.2. Sa lotto, pumulot ka sa 3, 8, 11, 19, 23, 27, 34, 37, at 40. ASSET tips: 3-6-8/ 3-4-6/ 1-2-5/ 7-1-10.Wiretips: 3-2-7/ 8-9-3/ 1-2-4/ Double digit: 3-8/ 1-7/ 8-3/ 1-5. Luzon guide: 2-6-11-19-22-29-34-38-40-42.VisMin: 3-7-11-19-22-29-34-38-40-42.MegaLotto: 2-18-23-28-34-37-40-42. Four Number: 4-6-9-2/ 1-2-5-2/ 8-2-4-2. Coded tips: square- oblong- sphere/ bakal- plastic- papel/ n-a-r.
---30---

kuwatro at numero tres

Bandera (01Oct05)

Dear David,

SUKI ako ng kolum mo .Isa akong tindero sa palengke pero nakikisingit lang ako sa kumare ko. Kailangan kasing buhayin ko ang aking mga anak.Ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? Ipinanganak ako noong Setyembre 4, 1970. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa?

DONATO NG BACOLOD CITY

Dear Donato,

TAGLAY mo ang pambihirang buwenas na wala sa ordinaryong tao. Kinukubabawan ka kasi ng mahiwagang No. 4. Likas kang mabait, matulungin at mapagpakumbaba—iyan ang bertud mo na hihigop ng buwenas. Pero, makakaranas ka rin ng serye ng mga dagok ng buhay, pero malalampasan mo ito.Sikapin mong makalmante sa gitna ng mga pagsubok. Taglay mo rin ang mahiwagang No.3 na nagsasabi na ikaw ay may malakas na personalidad na siyang magpapatatag sa iyo sa gitna ng maraming pagsubok. Masarap kang magmamahal kaya’t kung magkakakaroon ng inspirasyon sa bawat pagkilos, makakaangat ka sa tugatog ng tagumpay na hindi mo sukat-akalain. Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa sikat ng araw at tubig. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na trabaho. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 12, 24, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Kulay dilaw at asul ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo sa No. 4 at No.3 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-6-11-19-23-27-34-38-40-42. ASSET TIPS: 2-5-1/ 1-4-6/ 7-8-6/ Wiretips: 2-3-7/ 7-8-2/ 1-2-5/ 7-8-2. Double digit: 4-7/ 4-7/ 2-4. Luzon guide: 2-5-11-19-23-28-34-36-40-42. VisMin: 3-7-11-19-23-28-34-38-40-42. MegaLotto: 3-7-11-19-23-29-34-37-40-42. Four Number: 3-2-3-7/ 8-9-2-1/ 1-2-4-6. Coded tips: sitaw- ampalaya- bataw/ tubig- mantika- gatas/ n-s-r.
---30--

Tuesday, September 27, 2005

3 at 1

Bandera (29Sep05)

Dear David,

BIGYAN mo sana ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Agosto 3, 1970. Isa akong kahera sa isang mall pero maliit lang ang suweldo ko. May apat akong anak at isang sundalo ang mister ko. Gusto ko nang paalisin sa serbisyo ang mister ko pero wala pakaming ipon. Ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buenas na numero sa jai alai at lotto.

ADELFA NG CAGAYAN DE ORO CITY

Dear Adelfa,

NUMBER three (3) at one (1) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Jupiter at Sun ang kumukontrol sa iyong buhay. Kulay asul at dilaw ang buwenas mo. Masyado kang ambisyoso at madalas na nalalayo sa praktikalidad kaya’t dapat na maging makatotohanan sa lahat. Simplehan mo lang ang mga plano at umiwas sa mga komplikado. Buwenas ka sa negosyo na simpleng nagtitinda lamang—tulad ng dry goods, grocery store kung saan higit mo itong mapapalaki. Magsimula sa maliit na puhunan lamang at iwasan ang mangutang ng kapital. Paikutin lamang ang pera hanggang sa lomobo ito. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2008 at 2010 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na mapagkakakitaan. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 9, 12, 16, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Linggo. Sa jai alai, isama mo sa No. 3 at No.1 ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod; 3-7-11-19-23-28-34-38-40-42. ASSET tips: 3-5-8/ 2-3-6/ 1-2-7. Wiretips; 6-8-2/ 1-4-5/ 8-5-2. Double digit; 6-9/ 3-6/ Luzon guide: 1-8-12-15-23-26-34-37-40-42. VisMin: 2-6-11-17-23-26-35-37-40-42. MegaLotto;1-3-7-14-17-24-28-36-40. Four Number: 6-7-2-1/ 3-2-3-7/ 1-2-1-6. Coded tips: mangga- papaya- saging/ tilapia- bangus- biya/ h-d-r.
----30--

Sunday, September 25, 2005

No.9 at No.6

Bandera (27Sep05)

Dear David,

NAIS ko pong malaman ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Tulad ng iba, nais ko ring magnegosyo at naboboring na rin ako sa trabaho ko. Anong negosyo ang buwenas sa akin/ May tatlo akong anak na nag-aaral, makakatapos kaya sila sa kolehiyo at magtatagumpay? Ipinanganak ako noong July 27, 1970. Bigyan mo ako ng masusuwerteng kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto. Ano ba ang buwenas kong taon, buwan at petsa?

EDWIN NG CEBU CITY

Dear Edwin,

NUMBER nine (9) at six (6) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Mars at Venus ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Buwenas ka sa kulay pula at maroon. Masyadong malakas ang impluwensiya ng iyong mahihiwagang numero pero ang batas ng kalikasan ay hindi kung sino ang may taglay ng pinamalakas na kapangyarihan kundi kung sino ang PINAKABALANSE. Ang sobrang lakas ng iyong naturalesa ang mismong magpapahamak sa iyo kasi’y malalayo ka sa praktikalidad at pagiging makatotohanan ng iyong mithiin kaya’t mabibigo ka nang madalas hanggang sa matuto sa mga pagkakamali—na karaniwan ay huli na ang lahat.Ngayon pa lamang ay matuto ka nang magpakumbaba, maging simple at umiwas sa anumang masalimuot na sitwasyon.Buwenas ka sa negosyo kung ipupuwesto sa palengke kung nasaan mismo ang mahihigpit na kakumpitensiya. Buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa apoy. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2010 at 2016 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na pagkakakitaan. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Nobyembre lalo na sa mga petsang 5, 8, 13, 25 at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Miyerkoles at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No.9 at No. 6 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-28-34-37-39-40. ASSET tips: 4-3-7/ 8-9-3/ 1-2-4/ Wiretips: 3-2-6/ 8-3-6/ 1-2-5.Double digit: 4-8/ 3-6/ 1-5. Luzon guide: 2-7-11-19-23-28-34-37-40-42. VisMin: 3-7-12-19-23-28-34-38-40-42. MegaLotto: 3-7-11-19-23-28-34-38-40-42. Four Number; 2-1-2-6/ 8-2-3-2/ 4-3-6-2/ 8-2-2-2. Coded tips: tilapia- galunggong- bangus/ triangle- circle- square/ n-a-t.
----30--

Friday, September 23, 2005

No.4 at No.3

Bandera (25Sep05)

Dear David,

NAIS kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Oktubre 4, 1970. Isa akong vendor sa bangketa pero napag-aral ko ang mga anak ko sa pamamagitan nito. Pero, pinaaalis na ako ngayon sa puwesto ko kaya’t nanganganib na matigil sa pag-aaral ang mga anak ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.


DENNIS NG CAGAYAN DE ORO CITY

Dear Dennis,

NUMBER four (4) at three (3) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Uranus at Jupiter ang kumukontrol sa iyong pagkatao. Kulay dilaw at asul ang buwenas mo. Sa totoo lang, madalas kang makakaranas ng mga lihim na kalungkutan pero tanging ikaw lamang ang may kakayahang makahigop ng mga pambihirang buwenas na wala sa ordinaryong tao. Makakatagpo ka ng isang aktibidad na kikita ka nang malaki kaya’t hindi magiging problema ang edukasyon ng iyong mga anak. Isang kilalang tao ang mag-aalok sa iyo ng oportunidad upang kumita ka nang malaki. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2008, 2010 at 2011 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 11, 18, 23, 27, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Sa jai alai, isama mo sa No. 4 at No. 3 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa 2, 8, 11, 18, 23, 27, 34, at 39. ASSET tips: 3-6-8/ 1-2-4/ 7-8-2/ 1-2-10. Wiretips: 4-8-2/ 2-1-6/ 7-2-3/ 8-9-2. Double digit: 5-8/ 1-4/ 8-2/ Luzon guide: 3-7-11-19-23-28-34-37-40-42. VisMin: 2-6-11-19-22-29-33-38-40-42. MegaLotto: 3-5-11-14-23-26-34-38-40-42. Four Number: 3-2-3-7/ 7-8-2-1/ 1-2-5-8/ 2-2-2-4. Coded tips: kutsara- plato- kutsilyo/ jade- sapphire- gold/ n-a-g.
---30--

Wednesday, September 21, 2005

No.1 at No.9

Bandera (23Sep05)

Dear David,

REGULAR mo akong mambabasa at nais kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Disyembre 19, 1976. Isa akong office clerk pero maliit lang ang suweldo ko. Naboboring na ako kasi’y walang asenso pero mahirap namang maghanap ng trabaho kaya’t nagtitiis na lamang ako.Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto

CELSO NG DASMARINAS, CAVITE

Dear Celso,

NUMBER one (1) at nine (9) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Sun at Mars ang kumukubabaw sa iyo. Kulay dilaw at pula ang buwenas mo. Sobrang lakas ng iyong mahihiwagang numero kaya’t mahalagang maging mapagkumbaba ka at maunawain sa mga taong nagkakasala sa iyo. Dapat ay gumawa ka ng mga ekstrang aktibidad nang kikita ka ng ekstrang pandagdag sa pangangailangan. Mas epektib kung magsisimula ka ng munting negosyo o magpaikot ng maliit na puhunan na siyang magiging pundasyon sa kabuhayan sa hinaharap. Buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa sikat ng araw at tubig. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng mas matatag na hanapbuhay.Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Setyembre at Nobyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 11, 18, 22, 27at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Lunes at Huwebes. Sa jai alai, isama mo sa No. 1 at No. 9ang No. 5. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-28-34-38-40-42. ASSET tips: 6-2-4/ 1-2-7/ 8-9-32. Wiretips; 3-2-7/ 1-3-6/ 8-6-5. Double digit; 5-9/ 3-6/ Luzon guide; 3-7-11-19-23-27-34-36-40-42. VisMin: 2-5-11-19-23-28-34-38-40-42. Four Number: 3-2-3-7/ 8-2-5-2/ 8-2-3-2. Coded tips: black- red- blue/ pluto- venus- mars/ n-a-t
----30--

Tuesday, September 20, 2005

ex-guard

bandera (22Sep05)

Dear David,

PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong malaman din ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Mayo 3, 1970. Isa akong dating security guard pero nag-resign na ako kasi'y ina-assign ako sa bangko pero tatlo nang kasamahan namin ang napapatay doon ng mgs holdaper. Sa ngayon, namamasukan ako bilang family driver. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

JOHNNY NG BACOLOD CITY

Dear Johnny,

NUMBER three (3) at seven (7) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Jupiter at Neptune ang kumukubabaw sa iyo. Kulay asul at berde ang buwenas mo. May dugo kang martir, masarap magmahal at masyadong emosyonal. Kailangan mong ma-inspired upang maabot mo ang pinakamataas na antas ng pananagumpay. Ang No. 7 ay nagsasabi na ikaw ay mahilig sa mistisismo at mga kakaibang kaalaman o karunungan. Ang tulad mo ay karaniwang nagiging religious o cult leader, may kakaibang ideya at may mga hindi pangkaraniwang panaginip at talas ng imahinasyon na dapat mong magamit sa mga inobasyon at pag-unlad. Dapat ay mamasukan ka sa larangan ng pagdedesenyo tulad sa handicraft making o magnegosyo kaugnay nito. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005 pero uulit sa taong 2007, 2009 at 2013 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No. 3 at No. 7 ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-38-40-42. ASSET tips: 4-5-8/ 1-3-5/ 8-9-2. Wiretips; 3-2-6/ 7-8-3/ 1-2-8/ 2-4-1. Luzon guide: 3-7-11-19-23-28-34-39-40-42. VisMin; 3-5-11-19-22-29-34-38-40-42. MegaLotto; 2-6-11-18-22-29-34-37-40-42. Four Number: 3-2-3-6/ 6-7-2-1/ 7-2-1-2. Coded tips: lapis- notebook- folder/ aso- baka- kalabaw/ n-a-d.
---30--

Monday, September 19, 2005

sukob sa biyenan

Bandera (21sept05)

Dear David,

BIGYAN mo rin sana ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Nakikisukob lang kami ng mister ko ng tirahan sa kanyang mga magulang. Lagi may away sa pamilya pero hindi naman kami makaupa ng apartment kasi'y maliit lang ang kanyang suweldo. Ayaw niya akong papasukin kasi'y masyado siyang seloso. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ipinanganak ako noong Mayo 1, 1970. Gusto kong magnegosyo, ano ba ang buwenas sa akin? Bigyan mo ako ng masusuwerteng taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

DAISY NG DAVAO CITY

Dear Daisy,

NUMBER one (1) at five (5) ang mahihiwaga mong numero. Buntala ng Sun at Mercury ang kumukubabaw sa iyo. Buwenas ka sa kulay dilaw at gray. Walang duda na mareresolba mo ang problema mo sa kasalukuyan at bahagi na ng buhay mo ang ganyang klase ng suliranin. Sa totoo lang, kung nanaisin ng mister mo o kahit ikaw ay maaaring mag-abroad--tiyak na matutuloy kayo at giginhawa ang buhay. Gayunman, higit kayong susuwertehin kung magsosolo o makikipagsapalaran sa malayong lugar. Isang tao ang mag-aalok sa inyo ng oportunidad na ito na hindi ninyo dapat tanggihan bago mag-Pasko. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008, 2011 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na trabaho at pagkakaroon ng sariling bahay at lupa. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Enero lalo na sa mga petsang 2, 8, 12, 17, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo.Sa jai alai, isama mo sa No. 1 at No.5 ang No.3. Sa lotto, pumulot ka sa 3, 8, 12, 17, 23, 26, 34 at 40. Buwenas ka sa kulay dilaw at gray--iyan ang isuot mo palagi upang makaaahon sa problema at buwenasin sa sugal.ASSET tips: 3-7-1/ 1-3-9/ 5-8-2/ 1-2-8. Wiretips: 3-6-9/ 1-3-6/ 8-6-2. Double digit: 4-8/ 3-7/ 1-3. Luzon guide: 2-6-11-19-22-29-34-38-40-42. VisMin: 3-7-11-19-22-28-34-38-40-42. MegaLotto: 3-7-11-19-22-34-39-40-42. Four Number: 3-6-4-2/ 1-3-6-2/ 6-7-2-2. Coded tips: lapis- papel- notebook/ saging- ubas- santol/ j-a-r.
---30--

Friday, September 16, 2005

No.8 at No.1

Bandera (18sept05)

Dear David,

ISA ako sa masugid mong tagasubaybay at nais kong malaman ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Disyembre 17, 1970. Isa akong dating pulis pero nag-resign na ako nang masabit ako sa isang nakawan pero wala naman akong kasalanan. Nagtitinda na lamang ako ngayon sa isang grocery store na itinayo ko. Magklik kaya ito? Balak kong lagyan ng computer rentals, okey kaya ito? Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa. Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

GERRY NG TACLOBAN CITY

Dear Gerry,

NUMBER eight (8) at one (1) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Saturn at Sun ang kumukubabaw sa iyo. Malakas ang disposisyon mo sa buhay at inaakala mong magagawa mo ang anumang pumasok sa iyong isip kaya’t natutuklasan mo ang iyong sarili na isang bigo dahil sa kawalan ng praktikalidad. Pero mabilis kang matututo sa mga pagkakamali hanggang sa disiplinahin mo ang iyong sarili at mag-concentrate na lamang sa larangan na pinaka-master mo.Diyan na magsisimula ang iyong pag-unlad. Ituloy mo lamang ang pagtitinda at tumpak ang balak mong maglagay ng computer rentals. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2006 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 12, 17, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Kulay itim at dilaw ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo sa No. 8 at No.1 ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-23-35-40-42. ASSET tips: 4-7-1/ 1-2-8/ 8-2-6. Wiretips: 3-2-6/ 8-2-1/8-3-6. Double digit: 6-8/ 2-5/ 1-5. Luzon guide: 2-6-11-19-22-29-34-38-40-42. VisMin: 2-11-19-23-28-34-37-40-42. MegaLotto: 3-6-11-18-23-27-34-37-40-42. Four Number: 3-2-3-6/ 8-2-5-2/ 3-2-6-1. Coded tips: brown- red- black. Ruby- gold- jade/ n-a-t.
----30--

Wednesday, September 14, 2005

No.3 sa piggery at poultry

Bandera (16Sept05)


Dear David,

NAIS kong magkaroon din ng mahihiwagang numerop na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Disyembre 12, 1960. May apat akong anak na nag-aaral.Pero nagsarado ang pabrika na pinapasukan ko. Napuwersa na akong magbalik sa bukid at mag-alaga ng mga baboy at manok. Ginamit ko ang separation pay ko sa agribusiness pero walang katiyakan kung magkiklik ito.Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

CEFERINO NG DAVAO CITY

Dear Ceferino,

NUMBER three (3) at four (4) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Jupiter at Uranus ang kumokontrol sa iyong buhay. Kulay asul at dilaw ang buwenas mo. May dugo kang martir tulad nina Rizal at Bonifacio kung saan may kakayahan kang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa kapakanan ng mga minamahal. Iyan mismo ang bertud mo sa pagtatagumpay—emosyon! Angkop na angkop ang piggery at poultry bilang negosyo kasi’y may emosyon din naman ang pag-aalaga ng hahyop kung saan kailangang ingatan ang mga ito upang hindi magkasakit. Makipagtransaksiyon ka sa mga kaibigan at ang mga bagong kakilala ay dapat mong maging ka-intimate. Sa ganyang proseso, magiging masaya ka habang naghahanapbuhay na siyang magiging pundasyon mo sa pagtatagumpay. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2008, 2010 at 2011 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon mo ng matatag na negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No. 3 at No. 4 ang No.10. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-8-11-19-23-29-34-37-40-42. ASSET tips: 3-7-1/ 7-1-6/ 8-2-1/ 7-2-4. Wiretips: 5-9-2/ 1-3-5/ 8-2-4. Luzon guide: 3-6-11-19-22-29-34-38-40-42. VisMin: 4-8-11-19-23-28-34-37-40-42. MegaLotto: 4-7-11-19-23-28-34-37-45. Four Number: 5-6-2-1/ 7-8-2-1/ 7-8-2-1/ Coded tips: okra- sitaw- bataw/ manok- bibe- kalapati/ h-a-d.
----30--

Tuesday, September 13, 2005

mystic 6, 1

bandera (14sept05)

Dear David,

BIGYAN mo rin ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Mayo 6, 1970. May apat akong anak na nag-aaral pero bigla akong natanggal sa trabaho kaya't nanganganib na matigil na sila sa iskul. Napuwersa akong magtayo ng maliit na karinderya kung saan ginamit ko ang aking nakuhang separation pay. Pero, natatakot akong maubos ito kapag nabangkarote ang munti kong negosyo. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Magklik kaya ang negosyong ito? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay.

FERNANDO NG BACOLOD CITY

Dear Fernando,

NUMBER six (6) at one (1) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Venus at Sun ang kumukubabaw sa iyong buhay. Masyado kang emosyonal at nakasandal sa damdamin ang iyong mga desisyon na karaniwang ugat ng mga problema. Mas mainam kasi kung iaanalisa mo ang problema sa aspektong teknikal imbes na gamitan mo ng emosyon. Gayunman, magagamit mo ang pakikipagrelasyon o pakikipagkaibigan upang mapalaki mo o maparami ang suki sa iyong negosyo. Sikaping kausapin lagi ang mga suki tuwing pupunta sa tindahan at pasyalan ang kanilang bahay kapag may okasyon. Simple lang ito, pero hindi mo napapansin, magpaparami ito ng iyong suki na magiging pundasyon ng iyong pag-unlad. Ituloy mo lamang ang iyong karinderia at mapapalaki mo ito tungo sa pagiging restaurant o malaking grocery store. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na mapagkakakitaan at maunlad na pamumuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Abril, Agosto at Nobyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 12, 16 ,24, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Sabado. Kulay maroon at yellow ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo sa No. 6 at No. 1 ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-6-11-19-23-27-34-38-40-42. ASSET tips: 2-6-1/ 6-2-4/ 7-8-2/ 1-2-8. Wiretips: 3-6-1/ 5-8-2/ 1-2-10/8-9-2/ Double digit: 3-7/ 9-2/ 1-4/ 8-2. Luzon guide: 2-6-11-19-23-28-34-38-40-42. VisMin: 2-6-11-18-23-27-34-37-40-42. MegaLotto: 2-6-11-19-23-29-34-37-v40-42. Fo\ur Number: 3-2-3-6/ 7-8-2-2/ 1-2-1-4. Coded tips: baril- espada- granada/ ruby- saphhire- gold/ g-a-t.
---30--

Sunday, September 11, 2005

bilanggo

Bandera (12Sep05)

Dear David,

NAGKAHIWALAY kami ng misis ko kasi’t sumama siya sa ibang lalaki na mabilanggo ako.Hindi ko siya masisisi ka, kasi’y may dalawa kaming anak na kailangang buhayin niya. Nakalaya na ako pero hindi ako nagpapakita sa kanya. Namamasukan ako akong paghinante sa isang pabrika. Ipinanganak ako noong Nobyembre 5, 1962. Bigyan mo ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang buwenas kong kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

LEROY NG DAVAO CITY

Dear Leroy,

NUMBER five (5) at seven (7) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Mercury at Neptune ang kumukubabaw sa iyo. Kulay gray at green ang buwenas mo. Mabibilis na pangyayari ang nagaganap sa iyong buhay. Hindi mo sukat-akalain ang mga eksena. Kailangang matuto kang magdesisyon nang agaran dahil tulad ng ilang kabiguan na naranasan mo na biglaan ang pagdating, masosorpresa ka rin sa magagandang oportunidad na kakatok sa iyong pintuan kung saan dapat ay masunggaban mo agad dahil ito na mismo ang magpapaaangat sa iyo sa buhay at magpapasimula upang makapagbagong buhay ka. Magsuot ka lagi ng damit na kulay gray at berde. May makikilala kang babae sa isang mahabang biyahe ay siya na ang makakasama mo sa habang buhay at makakabuo ka muli ng isang masayang pamilya hanggang sa pagtanda.May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005, 2009 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na hanapbuhay at masayang pamilya. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, 28,at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Sa jai alai, isama mo sa No. 5 at No.7 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-28-30-34-37-40-42. ASSET tips: 3-7-1/ 1-2-6/ 8-2-6/ Wiretips; 3-2-5/ 7-8-2/ 1-2-5/ 7-8-2. Double digit: 3-8/ 2-6/ 8-3/ 3-6. Luzon guide: 3-7-11-18-22-27-34-37-40-42. VisMin: 3-7-11-18-23-27-34-37-40-42. MegaLotto: 3-7-11-19-23-27-34-37-40-42. Four Number: 2-1-2-6/ 7-8-2-2/ 3-1-4-2. Coded tips; mangga- sabing- papaya/ pusa- aso- baka./ g-a-r.
---30-

Friday, September 09, 2005

binata

Bandera (10sept05)


Dear David,
ISA ako sa masugid mong tagasubaybay. Ipinanganak ako noong Oktubre 11, 1972. Isa akong foreman sa isang kompanya. Binata pa ako kasi’y hindi ko maasikaso ang panliligaw. Panganay ako sa pitong magkakapatid at may sakit ang mga magulang ko. Puwede ko bang magamit ang kolum mo upang magkaroon ng mga bagong kaibigan lalo na yung mga reader mong dalaga. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong numero na bumabalot sa aking buhay? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

RICHIE NG CEBU CITY

Dear Richie,
NUMBER two (2) at four (4) ang mahihiwaga mong numero. Buntala ng Moon at Uranus ang kumukubabaw sa iyo. Kulay berde at dilaw ang mahihiwagang kulay mo. Sa totoo lang, kapwa mahihina ang naturalesa ng iyong mahihiwagang numero. Ibig sabihin, hindi ka magtatagumpay nang nagsosolo. Kung kinatatakutan mo ang mag-asawa o lumagay sa tahimik ay nagkakamali ka, dahil kapag nag-asawa ka na—doon magsisimula ang iyong pag-unlad. Kailangan mo ng kapartner sa buhay upang ma-inspired ka sa pagkilos na siyang magiging pundasyon ng iyong pag-angat sa buhay. Maraming kaibigan mo ang kusang tutulong sa iyo at makakatanggap ka ng mga pambihirang buwenas na mahirap paniwalaan. Inilathala ko ang pagnanais mo na magkaroon ng kaibigan at malaya na an gating tagasubaybay na magpadala ng reaksiyon kung interesado sila sa iyo kung saan ipadadala ko na lamang ang mga liham nila sa address na inilagay mo sa iyong liham. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005 pero uulit sa 2008, 2009 at 2011 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at paglagay sa estado o pag-aasawa. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 7, 13, 24, 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Sabado. Sa jai alai, isama mo sa No. 2 at No. 4 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa 2, 8, 11, 18, 25, 34, at 40. ASSET Tips: 3-6-7/ 1-2-6/ 7-8-2/ Wiretips: 2-3-6/ 8-2-1/ 7-2-5. Double digit: 6-9/ 1-4/ 7-3. Luzon guide: 1-10-11-19-23-28-34-38-40-42. VisMin: 2-6-11-19-23-28-34-39-40-42. MegaLotto: 3-6-11-16-23-27-34-38-40-42. Four Number: 3-4-7-1/ 2-0-6-1/ 7-4-2-6. Coded tips: maroon- black- white/ mercury- Pluto- Jupiter/ j-a-r.
----30--

Saturday, September 03, 2005

No.3, No.5

Bandera (04Sep05 issue)

Dear David,
BIGYAN mo rin ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Disyembre 3, 1970. May apat akong anak na nagsisipag-aral. May maliit akong talyer bilang mekaniko na itinayo ko mula sa kinita ko sa pag-abroad. Pero matumal ngayon at marami ang nanunuba kung saan karaniwan ay mga kaibigan ko pa. Malaki na ang utang ko at nahihirapan na ako. Nais kong bumago ng negosyo, saan kaya ako bubuwenasin? Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

ARIEL NG TORIL, DAVAO CITY

Dear Ariel,
NUMBER three (3) at five (5) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Jupiter at Mercury ang kumukubabaw sa iyo . Kulay asul at gray ang buwenas mo. Masyado kang emosyonal pero mayroon kang strong character na dapat mong gamitin sa pagnenegosyo. Sa totoo lang, puwede mo namang tanggihan ang mga nanggogoyo sa iyo pero naaawa ka naman sa kanila. Karaniwang naaabuso ang iyong sobrang kabaitan. Ang No. 3 ay numero ng mga bayani kaya’t may kakayahan kang magsakripisyo para sa kapakanan ng mga minamahal. Ang No.5 ay nagsasabi na higit kang buwenas sa pagbibiyahe kaya’t dapat na magpundar ka ng sariling sasakyan at mamamakyaw ng mga produkto na siyang ibebenta o ipamamahagi mo sa mga palengke. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2010 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 17, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Miyerkoles. Lagyan mong marka ng ibon ang logo ng iyong talyer o sasakyan—iyan ang magbibigay sa iyo ng buwenas.
Sa jai alai, isama mo sa No. 3 at No. 5 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-7-11-19-23-28-34-38-40-42. ASSET TIPS: 3-6-1/ 7-8-2/ 7-4-9/ 2-7-1. Wiretips: 5-8-3/ 7-2-5/ 8-1-6. Luzon guide: 4-8-11-18-23-27-34-38-40-42. VisMin: 3-6-11-18-22-29-34-37-40-42. MegaLotto: 4-7-11-19-28-34-35-38-40-42. Four Number: 3-2-3-6/ 1-2-4-6/ 8-2-1-2. Coded tips: elepante- zebra- lion/ green- black- red/ n-a-d.
---30--