Friday, December 02, 2005

pulang bulaklak sa bakuran (04dis05)

Bandera—04dis05

ATTENTION: BANDERA c/o LITO BAUTISTA
From; David Smith, Galaw ng Numero

Dear David,
REGULAR mo akong tagasubaybay at nais kong magkaroon din ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Disyembre 27, 1979. Graduate na ako pero hindi ako mapasok ng trabaho. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwede kong tayaan sa jai alai at lotto.

DIANA NG DAVAO CITY

Dear Diana,
NUMBER nine (9) at two (2) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Puwede mong gamiting teknik sa pag-aapply ng trabaho ang pagsusuot ng damit na kulay pula at berde—dahil iyan ang buwenas mo. Huwag kang mag-aapply nang nagsosolo, mas suwerte ka kapag may kasama ka o tipong dalawa akong maghahanap ng trabaho! Mag-alaga ka ng halaman na may berdeng berdeng dahon at pulang pulang bulaklak sa harap ng iyong bahay, sila ang hihigop ng buwenas para sa iyo. May naghihintay na magandang kapalaran sa iyo sa taong 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na trabaho at pag-aasawa. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Setyembre at Enero lalo na sa mga petsang 3, 7, 12, 15, 23, 25 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Lunes. Sa jai alai, isama mo sa No.9 at No. 2 ang No. 5. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-34-36-40-42. ASSET tips: 4-3-7/ 8-9-3/ 1-4-7/ 8-9-3. Wiretips: 4-3-8/ 9-3-5/ 2-5-1. Double digit: 4-7/ 9-5/ 1-7. Luzon guide: 3-7-11-19-23-25-34-37-40-42. VisMin: 3-5-11-14-15-23-25-28-38-40. MegaLotto: 3-16-23-24-34-35-36-40-45. Four Number: 4-5-4-8/ 9-3-5-5/ 7-6-7-9. Coded tips; sierra madre- samat- caraballo/ kambing –baboy- baka/ m-a-f.
----30--

sex partner buwenas (03dis05)

Bandera—03dis05

ATTENTION: BANDERA c/o LITO BAUTISTA
From: David Smith, Galaw ng Numero

Dear David,
PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Isa akong tsuper ng pampasaherong dyip pero maliit lang ang kita ko kasi’y malaki rin ang boundary. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. May pag-asa pa ba akong makaahon sa hirap? Ipinanganak ako noong Mayo 6, 1970. Bigyan mo ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

LORETO NG CEBU CITY

Dear Loreto,
NUMBER six (6) at two (2) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Venus at Moon ang kumokontrol sa iyong buhay. Kulay maroon at berde ang buwenas mo. Masyado kang emosyonal kaya’t madalas kang mapahamak ng simbuyo ng iyong damdamin. Dapat na makontrol mo ito upang hindi ka maipit ng mga problema. Sa totoo lang, isang karelasyong opposite sex ang makakatulong sa iyo sa pinansiyal at magbibigay ng oportunidad upang makaahon ka sa problema. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 9, 11, 19, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Sabado. Sa jai alai, isama mo sa No. 6 at No. 2 ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-25-34-37-40-42. ASSET tips: 5-8-2/ 7-9-3/ 1-3-5/ 8-9-2. Wiretips: 4-5-8/ 2-1-6/ 7-6-2/ 1-8-7. Double digit: 7-9/ 6-3/ 5-8. Luzon guide: 3-7-11-19-23-26-34-37-40-42. VisMin: 3-7-11-19-23- 26-34-37-40-42. MegaLotto: 4-8-11-19-23-28-34-38-40-42. Four Number: 4-7-4-1/ 8-2-5-2/ 8-5-2-6. Coded tips: mangga- saging- santol/ manok- kalapati- loro/ n-a-t.
----30--